Close

Lalaki, arestado sa panghahalay sa dating kasintahan

Sponsor ads


ZAMBALES-ARESTADO sa ginawang follow-up operation ng Palauig Police ang isang lalaking gumahasa sa kanyang ex-girlfriend nakaraang martes.

Nakilala ang lalaki sa alyas na 'sonny boy', binata, 24yrs old at residente ng isang lugar sa bayan ng palauig.

Batay sa sanaysay ng biktimang itinago sa pangalang 'Cathy', naghihintay siya ng masasakyan sa isang lugar lunes ng gabi nang dumating ang naka-motor na suspek at nag-magandang loob na ihatid umano sa pupuntahan.

Imbes na ihatid ang biktima ay itinuloy ng suspek sa sariling niyang buhay at doon ginahasa at pinagsamantalahan.

Nang makauwi kinabukasan ang biktima saka ito nagsumbong sa mga otoridad na agad nagsagawa ng operasyon para madakip ang suspek.

Sa ngayon mahaharap sa kasong rape ang suspek na pansamantalang nakapiit sa himpilan ng pulisya,

-RUSSEL BANAWA