Close

LGU-Kalibo, isinusulong na magkaroon ng satellite office ang DFA at PRC sa Kalibo

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN — Nagpasa ng isang resolusyon si Vice Mayor-elect Cynthia Dela Cruz na humihiling na magpatayo ng satellite offices dito sa bayan ng Kalibo ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Professional Regulations Commission (PRC).

Inihayag ng bise alkalde na libo-libong Aklanons ang makikinabang kapag nakapagpatayo ang mga nasabing ahensya ng gobyerno ng kanilang opisina sa Capital Town lalo na sa pagproseso ng passports gayundin ang mga professional documents.

Ayon pa kay Dela Cruz, ang National Bureau of Investigation (NBI) ay mayroon ng opisina dito sa Kalibo kaya’t panahon na rin para mag-apela sa DFA at PRC na magpatayo ng kanilang tanggapan.

Napag-alaman na kailangan pang bumiyahe ng nasa apat na oras ng mga Aklanon patungong Iloilo para lamang makakuha ng mga dokumento mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Maliban sa mga Aklanon, ang mga residente mula sa isla ng Boracay, probinsya ng Capiz at Antique, ay makaka benepisyo din at mapapalapit sa pag avail sa mga serbisyo ng gobyerno./ SHERRY ANNE REUNIR-VIDAL