Close

Kusinero sa Boracay, arestado sa drug buy bust; 5 sachet ng shabu nasabat

Sponsor ads


BORACAY ISLAND – Huli sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ang isang kusinero sa isla ng Boracay alas-12 ng hatinggabi.

Target ng operasyon si Mark Andrew Panganiban, alyas ‘Boknoy’, 28 anyos na tubong Quezon City at naninirahan ngayon sa Sitio Lugutan, Manocmanoc, Boracay.

Nasabat sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P1, 600 na buy bust money.

Narekober din mula sa kanya ang tatlo pang sachet ng shabu sa isinagawang body search.

Mahaharap si Panganiban sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.