Close

Kaso ng leptospirosis sa Central Luzon tumaas ayon sa DOH

Sponsor ads


Tumaas ng dalawangputtatlong porsyento ang kaso ng leptospirosis sa Central Luzon mula Enero hanggang Hulyo 28 ngayong taon kumpara noong 2017 sa parihong panahon.

Base sa datus ng Department of Health Central Luzon Regional Office, ngayon ay pumalo na sa 103 ang naitala na nagkaroon ng leptospirosis kumpara sa 84 noong nakaraang taon.

Nangunguna rito ang lalawigan ng Nueva Ecija na may 40, sinundan ng Tarlac at Zambales na may tag labing walong kaso, Pampanga labing isa, Bulacan sampu, Bataan apat at lalawigan ng Aurora na may dalawang naitala.

Samantala nanawag naman ang DOH sa mga residente na wag lumusong sa baha lalo na ang may mga sugat upang maiwasan ang leptospirosis.
-GILBERT BASIO