Close

Kalahating milyon pisong pondo gagastusin para sa livelihood training ng IPs sa Olongapo

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-GAGASTUSAN ng kalahating milyong piso na pondo ang training na ilalaan sa mga katutubo sa Olongapo.

Ayon kay IPMR Nestorio Pablo ang pondo ay manggagaling sa City Tourism Office para sa gastusin ng mga katutubong magsasanay Ifugao.

Matatandaan na target ng City Government na magkaroon ng produkto sa lungsod na ang mga katutubo ang gagawa para manghikayat sa mga bumibista sa Olongapo at magpapalago sa torismo.

Mahigit anim na pung mga representante ng IPs ang dadalo sa livelihood training na gaganapin sa Mountain Province.

-MICHELLE LOPEZ