Close

Ilang mga malls sa lungsod handang maging evacuation area sakaling kailanganin

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-HANDA ang pamunuan ng mga malalaking malls sa Olongapo na magpagamit ng espasyo para gawing evacuation area sakaling kulangin sa paglalagyan ng evacuees ang City Government ng Olongapo.

Gusto kasi na matulungan ang City Government para hindi na mamroblema sakaling wala ng pagdalhan ng mga bakwit.

Ito rin ang naisip na kontribusyon ng mga may ari ng mall sakaling pumasok sa lungsod ang malakas na bagyo.

Dahil dito ay mababawasan na rin ang iisipin ng mga local officials sa magiging biktima ng bagyo.

-MICHELLE LOPEZ