Close

Hermosa LGU naglaan ng 12million pesos para sa mga CCTV

Sponsor ads


BATAAN-NAGLAAN ng labing dalawang milyong piso ang Local Government Unit ng Hermosa, Bataan para sa paglalagay ng mga CCTV sa piling mga lugar mga Barangay.

Kabilang sa mga lalagyan ng CCTV ay mga pangunahin kalsada mula sa Baranga Palihan hanggang Barangay Mabuco.

Samantala pinaalalahan naman ni Municipal Administrator Atty. Ariel Inton, ang mga negosyante na magpakabit na ng CCTV sa kanilang mga establisyemento.

Dagdag pa ni Inton, malaking tulong ang pagkakaroon ng CCTV para mas madaling malutas kung may mangyari mang krimen sa isang lugar.

-GILBERT BASIO