Close

Driver ng closed delivery van na nakahagip sa tricycle at nag resulta ng kamatayan ng dalawang sakay nito, sumuko na

Sponsor ads


Sumuko na sa Olongapo City Police Station 1 ang driver ng closed delivery van na nasangkot sa road accident sa National Highway, Corner Del Rosario Road ng barangay Old Cabalan, Olongapo City Linggo ng umaga.

Ang sumukong drayber na kinilalang si Ronnie, kasama ang manager ng kompanya ng dumating ito sa opisina ng trafic investigation unit ng pnp kahapon

Ayon sa kuwento nito, sa pag-over take nito ay hindi nya napansin na nahagip nito ang tricycle habang tinatahak nito ang nasabing lugar.

Dagdag pa nito, bagamat may narinig itong kalabog sa bandang likuran hindi nya inaakalang nahagip nito ang tricycle na lulan ng pitong pasahero at ikinamatay ng dalawa sa mga ito.

Paniwala nito na inosente sya sa pangyayari kung kaya’t minabuti nitong isinuko ang sarili sa mga otoridad.

-JEFF VALDEZ