Close

Dating nakulong sa illegal na droga arestado sa drug buy bust operation

Sponsor ads


Balik kulungan ang lalaking naaresto sa drug buy bust operation ng mga otoridad mga pasado alas dose ng hapon sa Barangay Munting Batangas, Balanga City, Bataan.

Kinilala ang suspek na si Ricardo Naval alyas Cading, 37 anyos, binata at residente rin sa Balanga City, Bataan.

Nakumpiska sa kanya ang nasa tatlong medium size na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at limang daang piso na buy bust money.

Samantala si Naval ay muling nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act.

-GILBERT BASIO