Close

DPWH, planong buksan ang mga manhole sa Boracay para sa posibleng pagbaha ngayong tag-ulan

Sponsor ads


BORACAY, ISLAND —Plano ngayon ng pamunuan ng DPWH-Aklan na buksan ang ilang manholes sa isla ng Boracay bilang paghahanda sa posibleng pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.

Ilan sa mga bubuksang konkretong manhole ay sa area ng Bolabog para makalabas ang tubig mula sa Laketown patungong Bolabog pumping station.

Ito’y dahil ang drainage line sa main road ay hindi pa konektado sa lagusan ng tubig at sa drainage project ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Kung matatandaan, binaha ang ilang lugar sa isla dahil sa mga pag-ulan.

Samantala, patuloy naman ngayong ang ginagawang paglilinis sa mga baradong manhole at mga drainage sa main road at commercial areas.