Close

City Government tiniyak na walang makakapagbenta ng paputok sa Olongapo

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-TINIYAK ng City Government na walang makakapagbenta ng paputok sa Olongapo ngayong papalapit na ang pasko at bagong taon.

Ito ay dahil sa mahigpit na ipinagbabawal sa lunsod ang pagbebenta ng mga paputok dahil sa umiiral na ordinansa simula pa noong 2008 sa at naging dahilan ng pagkasunog sa ilang bahagi ng New Public Market.

Ayon kay Retired Major Philip Bolina ng Taskforce Vendor, uumpisahan na ng mga tauhan na mag ikot sa mga palengke para masigurong walang makakapagbenta ng anumang uri ng fire crackers.

Maliban sa Taskforce ang mga pulis naman ang nakatoka na manita at manghuli sa motoristang dadaan sa Olongapo na may dalang mga paputok.

-MICHELLE LOPEZ