Close

CSWDO magbubukas ng programa para sa mga out of school youth sa Olongapo

Sponsor ads


Magbubukas ng programa ang City Social Welfare And Development Office para sa mga out of school youth sa Olongapo.

Ang programang ito ay magbibigay solusyon para matulungan ang mga kabataan na mabigyan ng pagkakaabalahan tulad ng livelihood o di naman ay mga pagsasanay para makapag umpisa ng maliit na pagkakakitan

Ayon kay Blessy Ciervo Cswd Officer, karamihan sa mga nagiging biktima ng mga krimen ay mga out of school youth at kadalasang nahuhuling nandurukot at ginagamit magbenta ng droga dahil sa kawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan.

Ngayong buwan ay uumpisahan ng tanggapan ang programa para sa mga out of school youth.

-MICHELLE LOPEZ