Close

Bataan tinanghal na outstanding province sa nutrition program implementation

Sponsor ads


BATAAN-MULING tinanghal sa ikalawang sunod na taon ang lalawigan ng Bataan bilang outstanding province sa pagpapatupad ng mga programa sa nutrition sa buong Central Luzon.

Nakapagtala ang lalawigan ng mababang datos sa prevalence rate ng underweight, stunted, wasted, overweight at obese na pre-school at mga batang nag-aaral.

Samantala kinilala din ang bayan ng Morong bilang Outstanding Municipality at ang Barangay Cupang West sa Balanga City, Nagbalayong Morong at Gugo, Samal bilang Outstanding Barangay Nutrition Committee.

-GILBERT BASIO