Close

Bahay sa Kalibo, ninakawan; P88K na halaga ng alahas, nilimas

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN – Umaabot sa P88K na halaga ng alahas ang nakuha ng mga kawatan sa panloloob sa isang bahay sa Brgy. Estancia, Kalibo pasado ala-una kaninang madaling araw.

Ayon sa may-ari ng bahay na si Gemma Cuenco, nagising siya mga ala-una kaninang madaling araw matapos makarinig ng kaluskos na ang akala niya ay ang kanyang asawa.

Sa kanyang, pag-usisa ay nakita nya ang magnanakaw subalit hindi niya umano ito namukhaan dahil sa bahagyang nasa likod umano ito ng liwanag ng ilaw.

Sumigaw umano siya ng tulong at doon na kumaripas ng takbo ang suspek.

Nasa pagitan ng 30-40 anyos umano ang edad nito at mga 5?6' ang taas at nakasakay sa smash na motorsiklo.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, nalamang bukas na ang pinto ng music room sa loob ng bahay kung saan nakatago ang mga ninakaw na gold bracelet, dalawang kuwintas, dalawang gold at white gold na singsing ng biktima.

Samantala, nagpapatuloy parin ngayon ang imbestigasyon sa kaso.