Close

Babae sa bayan ng Subic, arestado sa drug buybust operation

Sponsor ads


SUBIC, ZAMBALES-ARESTADO ng mga otoridad ang isang babae sa bayan ng subic alas nueve kinse kagabi.

Sa drug buy bust operation na ikinasa ng mga otoridad sa Purok 3c ng Barangay Calapacuan, ang suspek na kinilalang si Joan Aceron, 29 anyos @ Nene na residente sa nabanggit na bayan.

Ayon sa rekord ng pulisya, si Nene ay kasama sa 2018 newly drug identified personality nitong buwan ng Marso at dating surrenderee nitong buwan ng Mayo 2018.

Nakuha sa suspek ang apat na pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at 500 peso-bill na marked money habang mahaharap ito sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Acts of 2002.

-JEFF VALDEZ