Close

4 arestado sa buy-bust operation

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-ARESTADO ang 4 na indibidwal kabilang ang 1 babae sa ikinasang buybust operation ng OCPO Station 5 sa Tabacuahan road ng Barangay Sta. Rita Miyerkules ng hating gabi.

Ang mga suspek ay sina Jerrick De Aro, 28-anyos ng Brgy. Gordon Heights, Jalanie Barazar, 18-anyos ng Brgy. Sta. Rita, Roger Arado, 44-anyos ng Brgy. Kalaklan at Norma Cali ng Brgy. Sta. Rita.

Ayon sa pulisya, target ng operasyon si De Aro kaya ginawa ang buy-bust operation at nag resulta sa pagka aresto sa tatlo pang kasamahan nito.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

-JEFF VALDEZ