LEGAZPI CITY – Matapos ideklarang “zero cases” mula sa COVID-19 ang lalawigan ng Albay noong isang araw, naitala naman kahapon ang 26 na mga bagong kaso sa nabanggit na sakit, batay sa inilabas na ulat ni Albay Governor Noel Rosal.
Sa datos mula sa gobernador, nagpositibo ang pitong mga indibidwal mula sa bayan ng Daraga, anim ang mula sa Legazpi City, tigtatatlo sa Ligao at Tabaco City, parehong dalawa sa Malinao at Polangui, habang tig-iisa naman sa mga bayan ng Camalig, Guinobatan at Santo Domingo.
Samantala, sa parehong datos, isa naman ang naitalang namatay at ito ay mula sa lunsod ng Tabaco.
Dahilan dito, laging paalala ng gobernador na sumunod sa mga health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.