Dalawang bayan sa Camarines Sur, sisuspendi ang pasok sa mga paaralan kahapon; biyahe naman ng maliliit na bangka sinuspendi ng PCG

NAGA CITY- Ulan ang sumalubong sa mga estudyante kahapon , kaugnay nito dalawang bayan sa Camarines Sur ang nagpalabas ng advisory ukol sa suspensyon ng klase kahapon ng hapon matapos na maging  Tropical Storm ang Tropical Depression Florita.

Isa sa mga ito ay ang Buhi, sa advisory ni Mayor Rey Lacoste suspendido ang pasok sa pre-school hanggang sa Elementarya; pampubliko at pribadong paaralan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon kay Mark Nazzarea , tagapagsalita ng LGU, hinintay sana nila ang advisory mula sa Provincial Government subalit Nakita na nila ang sitwasyon , sa lakas ng buhos ng ulan , Malaki ang posibilidad ng flash floods , delikado sa mga uuwi at babalik kapag hapon.

Sa Caramoan naman walang pasok sa lahat ng antas kahapon ng hapon. Inabisuhan ng LGU ang mga guro na magbigay ng take-home assignments o kaya naman mag-online.  

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ngayong maghapon naman base sa memorandum ng Provincial Government , walang pasok sa lahat ng antas.

Samantala , kakabit ng gale warning pinagbawalan ng Philippine Coast Guard ang mga maliliit na sasakyang pandagat na pumalaot maliban sa sakop ng Pasacao at Camaligan substation.  

Pero ayon kay Coast Guard Commander Brummel Magalong, bago nakaalerto na ang kanilang mga personahe.