Kampanya laban sa paninigarilyo at paggamit ng vape lalong palalakasin ng Health Justice Phils

SORSOGON CITY – Sa nagpapatuloy na selebrasyon ng National Lung Month, muling bumisita sa lalawigan ng Sorsogon ang grupong Health Justice Philippines bilang bahagi ng kanilang adbokasiya laban sa paninigarilyo at vaping.

Sa ginanap na pakikipagpulong sa hanay ng midya, sinabi ng Managing Director ng nasabing non-government organization na si Atty. Jacky Sarita na malaki na ang naging pagbaba ng bilang ng mga naninigarliyong Pilipino mula nang sinimulan nila ang ganitong adbokasiya sampung taon na ang nakararaan.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Aniya, sa kanilang datos mula 2021, mayroong 35% ng mga Pilipino ang naninigarilyo subalit sa pagdaan ng panahon hanggang sa kasalkuyang taon ay nasa  23% na lamang ito at patuloy pa umano sa pagbaba kung kaya’t hindi sila titigil sa pagpapaalala sa masamang dulot ng paninigarilyo lalo at kabataan ang pinaka-biktima nito.

Read More:  SRA backs NIR-wide offensive vs. invasive sugarcane pest