Russia sinisi ang Ukraine sa pagsabog ng military facility sa Northern Crimea

Sinisi ng Russian ministry of Defense ang sabwatan sa nangyaring pagsabog na nagbunga ng damage sa military facility sa Dzankopi area sa northern Crimea.

Dalawa ang naitalang sugatan sa nasabing pagsabog na ikalawang nangyari sa loob ng isang linggo.

Read More:  China’s preparations for possible Taiwan attack reportedly delayed

Ayon sa report, nasa 2,000 residente ang inilikas habang sinuspende muna ang train services mula Russia patungong Crimea.

Wala namang pag-claim sa panig ng Ukraine kung sila ang nasa likod ng pagpapasabog.

Matatandaan na noong nakaraang Martes, nagkaroon ng serye ng pagsabog habang walong aircraft at imprastratura sa Russian military air base sa Novofedorivka sa west coast ng Crimea ang napinsala.

Read More:  29 Filipinos involved in Bavaria bus accident return to Milan

Hindi naman malinaw sa pahayag ng Russian Defense Ministry kung magkano ang inabot na halaga ng mga napinsalang military equipment, ammunition at iba pa.