Tila engagement ring na suot ni Julia Montes, pinagdiskitahan ng mga netizens

Naging usap-usapan na naman sa mga netizens ang singsing na suot ni Julia Montes, na makikita sa Instagram Reels ni Dimples Romana.

Hinala ng netizens, baka ito ang engagement ring na bigay ng matagal nang napapabalitang nobyong si Coco Martin.

Read More:  MMFF 2026 completes official eight-film lineup with final four entries

Matatandaan na noong November 2020, naging usap-usapan rin ng netizens ang tungkol sa singsing na suot ni Julia noon.

Noong 2019 nang lumabas naman ang mga balitang nanganak na si Julia, kung saan si Coco daw ang ama ng baby, pero hanggang ngayon, walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa dalawa.

Read More:  Jane de Leon, Louise delos Reyes turn heads with stunning new looks

Sa kabila nito, all out sa publiko ang pagsuporta nila sa isa’t isa.