Panukalang pagkilala sa same-sex civil union, ipinanukala ni Senator Robinhood Padilla

Nais ni Senator Robin Padilla na gawing institusyonalisado ang civil union ng same sex couples sa bansa.

Sa kanyang Senate Bill No. 449 o ‘Civil Unions Acts’, nais itong kilalanin ang same sex couples at ang paglulunsad ng kanilang mga karapatan at obligasyon.

Read More:  OCD on heightened alert for Super Typhoon Inday

Ayon kay Senador Padilla, ang pagbibigay ng pantay na karapatan at pribilehiyo sa same-sex couples ay hindi umano kabawasan o pagyurak sa karapatan ng mga married couples.

Ito na umano ang tamang panahon para bigyan ng pantay na pagkilala at karapatan ang mga same-sex couples na walang paghuhusga.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Binigyang diin pa ng senador na kakaunti lamang ang mga legislative measures sa bansa na kumikilala sa same-sex marriage o civil unions sa kabila na ito ay legal na sa 31 mga bansa sa buong mundo.

Matatandaang ang Civil Union ang isa sa ipinasang 10 priority bills noon ng senador.(MIKE SALGADO)
#