Active tropical cyclone sa labas ng PAR binabantayan ng PAGASA

Huli itong namataan sa 665 km kanlurang hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin papalo sa 45 km/h at pagbusgong aabot sa 55 km/h habang kumikilos pa-kanlurang hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Maliban dito may Low Pressure Area (LPA)na namataan sa 180 km East ng Guiuan, Eastern Samar.

Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas, Bicol region, at Zamboanga Peninsula dahil sa LPA at Southwest Monsoon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.