Comelec So.Cot, patuloy ang paghahanda sa barangay at SK elections

KORONADAL CITY- PAGKATAPOS ng voter registration sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK, magsasagawa na ang Commission on Elections o Comelec South Cotabato ng Election Registration Board o ERB Hearing.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada sa naturang hearing, aaprubahan ang registration ng mga nagparehistro upang makapagpalabas na ang mga ito ng pinal na listahan ng mga botante.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Inihayag ng opisyal na ito ay bahagi ng kanilang nagpapatuloy na paghahanda para sa darating na halalan sa barangay at SK na itinakda sa December 5.

Nilinaw ni Gerada na hangga’t walang naipapasang batas para sa postponement nito, matutuloy aniya ang eleksyon.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Magsasagawa na rin ang mga ito ng coordination meeting kasama ang iba’t ibang mga stakeholders lalo na’t manual ang isasagawang Barangay at SK elections.