Pananahanan sa mga high risk areas dapat masolusyunan – typhoon forecaster

NAGA CITY-  Nakaranas ng pagbaha ang Camarines Sur nitong Sabado dulot ng pag-uulan na dala ng Habagat, ipinga-utos ni Gov. Luigi Villafuerte na lumikas ang mga nasa high risk areas o mga binabahang lugar, landslide prone areas at iba pa.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa typhoon forecaster na si Mike Padua, iminungkahe nito sa pamahalaan na dapat na masolusyunan ang pananahanan sa mga delikadong lugar. Halimbawa sa mga paanan ng bundok , malapit sa ilog, lawa at baybaying dagat na kapag masungit ang panahon hinahampas ng malakas na alon ang bahay.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Rason ng ilan sa mga nakatira, naroon ang kanilang hanapbuhay at walang mapaglilipatan.