Palasyo, nagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Ramos

Nagluluksa ang Malacañang sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, kasabay ng pag-alala sa “colorful legacy” na iniwan umano nito sa bansa.

Si Ramos ay pumanaw kahapon, Linggo, sa edad na 94 anyos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, malaki ang naging partisipasyon ni FVR para sa malaking pagbabago sa bansa, sa parehong pagiging military officer at chief executive.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Sa official statement naman ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.,  sinabi nitong kaisa siya sa pagdadalamhati ng sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni FVR.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Hindi lang isang magaling na pinuno ang nawala sa kanila ayon kay Marcos kundi miyembro rin ng pamilya.

Si Ramos ay nagsilbi bilang pang ika-12 pangulo ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998.