Ateneo, ipinakilala ang Fil-Am na si Paul Garcia bilang bagong recruit

Ipinakilala ng Ateneo de Manila University ang Filipino-American na si Paul Garcia bilang bagong recruit para sa kanilang koponan.

Ang 23-year-old na basketobolista ay dati ng naglaro sa Montgomery College Raptors at Salisbury University Seagulls bago lumipat sa Ateneo.

Read More:  Eldrew Yulo targets stronger campaign on road to LA 2028

Nakasabak na si Garcia sa 22 matches bilang senior ng Salisbury kung saan nakaka-4.0 points at 1.4 rebounds siya kada laro.

Read More:  Akari seeks crucial win against ZUS Coffee to keep PVL semifinals hopes alive

Samantala, sinabi niya na excited na siya para dito at isa umano itong dream come true para sa kanya.

(ARGIE ERGINA)