Tatlong key players ng De La Salle, hindi makakalaro sa PBA D-League

Hindi makakalaro ang tatlong key players ng De La Salle University Green Archers sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup na magsisimula sa Huwebes.

Ayon kay La Salle assistant coach Gian Nazario, kabilang sa naturang mga basketbolista si Evan Nelle, Mark Nonoy at Deschon Winston.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Aniya, hindi umano nakaka-attend sa mga praktis ang mga ito dahil sa kanilang academics kung saan naghahabol sila simula UAAP season.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Samantala, sinabi ni Nazario na magfo-focus muna sila sa ngayon sa 15 na maglalaro sa nasabing match na gaganapin sa Araneta Coliseum. (ARGIE ERGINA)