BFAR, umaasang may 2nd tranche pa ang fuel subsidy para sa mga piling mangingisda

Umaasa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na may ikalawang bahagi pa ang fuel subsidy na ibinibigay ng pamahalaan sa mga piling mangingisda sa bansa.

Ito ay dahil naisulong na ni Dating Department of Agriculture Secretary William Dar ang pondo para sa 2nd tranche bago pa bumaba sa puwesto.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon kay BFAR Region 3 Dir.Wilfredo Cruz, kapag nakita ng bagong administrasyon na malaking tulong ang subsidiya para sa mga mangingisda ay tiyak na itutuloy ang pamamahagi nito.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Matatandaan, namahagi ng ayuda o fuel subsidy ang gobyerno sa mga sektor na pinaka-apektado ng mga pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo gaya ng magsasaka, mga tsuper, at mangingisda.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo: BFAR Central Luzon