DOH, magbibigay ng free routine at catch-up immunization sa mga sanggol

Magbibigay ang Department of Health (DOH) ng free routine at catch-up immunization para sa mga sanggol simula June 30 hanggang July 1.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga bakunang ibibigay sa mga ito ay ang BCG, Hepatitis B, Penatavalent, Oral Polio, Inactivated Polio, Pneumococcal Conjugate at Measles-Mumps-Rubella.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Iginiit niya na hindi dito magtatapos ang kanilang routine vaccination campaigns katulad ng isinasagawa nilang Chikiting Vaccination Days.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Samantala, binigyang-diin ni Vergeire na available naman umano ang mga naturang bakuna sa health centers sa Pilipinas. (ARGIE ERGINA)