SSS Housing loan penalty condonation hanggang sa katapusan na lang ng buwan

Tatagal na lamang hanggang sa June 30 ang Housing Loan Penalty Condonation program ng Social Security System.

Dahil dito, nagpaalala na ang SSS Region 3 sa mga borrowers na tangkilikin na ang programa para mabawasan ang mga penalty.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Ayon kay Acting Senior Communication Analyst Julie Ann Arellano, noon pang May 25 nagsimula ang programa at ilang araw na lamang mula ngayon ay magtatapos na ito.

Sa mga nais mag-avail ng condonation, kinakailangang makipag-ugnayan ng personal sa Housing and Acquired Management Section ng SSS.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Maliban dito ay maaari ring mag-email sa regional office sa [email protected] o kaya ay tumawag sa (045) 982-3541 para malaman ang mga kinakailangang requirements.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO