Incoming BIR Chief, ipapaubaya sa korte ang umanoy unpaid estate tax ng pamilya Marcos

Iginiit ni incoming Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner Lilia Guillermo na ipapaubaya niya sa korte ang umanoy unpaid estate tax ng pamilya ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Inamin ni Guillermo na hindi pa umano niya nababasa ang detalye ng naturang kaso kung saan tinanong niya rin si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno tungkol dito.

Read More:  Marcos allocates P300 million for Tarlac City bridge repairs
Read More:  Senate passes bill barring public officials’ relatives from government contracts

Matatandaang ipinag-utos ng Supreme Court na dapat magbayad ng pamilyang Marcos ng P203 billion para sa estate tax.

Samantala, nakasaad sa dokumento ng tribunal na ‘final and executory’ ang estate tax liability ng naturang pamilya. (ARGIE ERGINA)