Top 1 Most Wanted Person ng Siniloan sa Laguna, arestado

Arestado ang Top 1 Most Wanted Person ng bayan ng Siniloan matapos itong mahuli sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna.

Kinilala ng Siniloan Municipal Police Station ang suspek na si Jayson Torremutya Kahulugan, 24 anyos at residente din ng nasabing bayan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Naaresto ito bandang alas-9:30 ng umaga ng Hunyo 14 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Reginal Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 33, Siniloan, Laguna.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng nasabing himpilan ang suspek at mahaharap sa dalawang counts ng pagnanakaw.