Kiefer Ravena, kabilang sa Gilas Pilipinas men’s basketball kontra South Korea

Inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kasama si Kiefer Ravena sa listahan para sa Gilas Pilipinas men’s basketball kung saan kalaban nila ang South Korea sa ‘friendly games’.

Kabilang din dito ang NCAA rookie MVP na si Rhenz Abando, Dwight Ramos at KBL-bound na si SJ Belangel.

Read More:  Alex Eala opens Asian Games campaign with dominant victory

Gaganapin ang naturang laro sa ika-17 hanggang ika-18 ng Hunyo ngayong taon kung saan host ang Korean Basketball Association.

Read More:  Carlos Yulo adds another gold, dominates men’s vault final at Asian Games

Samantala, parte ang nasabing game sa preparasyon ng national team sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na mangyayari naman sa June 30 hanggang July 4. (ARGIE ERGINA)