Naiuwi ng pambato ng Pilipinas na si Shane Tormes ang korona sa ginanap na Miss Global 2022 sa Bali Nusa Dua Convention Center sa Indonesia.
Si Tormes ang ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng titulo sa naturang international pageant.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng beauty queen na proud siyang tawaging ‘Pinay’ at masaya siyang irepresenta ang ating bansa.
Read More: Lea Salonga set to return to the stage in “Ang Tahanan ni Bernarda Alba” in February 2027
Samantala, kinoronahan naman si Sandra Lim mula Malaysia bilang 1st runner up, 2nd runner up naman si Brooke Rankin ng Australia habang 3rd runner up naman si Sandra Boriseviciute ng Lithuania at 4th runner up si Natalia Gurgel ng Brazil. (ARGIE ERGINA)