Higit 3000 na mga indibidwal, isinailalim sa libreng chest X-ray sa So.Cot

KORONADAL CITY- MAHIGIT sa 3000 mga indibidwal sa South Cotabato ang naka-avail ng libreng Chest X-ray simula noong nakaraang taon sa pamamagitan ng active case finding na isinasagawa ng Integrated Provincial Health Office o IPHO kasama ang Department of Health- National TB Elimination Program, MARADECA at Philippine Business for Social Progress o PBSP sa iba’t ibang mga munisipyo.

Read More:  Three arrested, including dismissed cop, in Davao de Oro graduate shooting

Layon nito na mapaigting ang case detection rate at masugpo ang pagkalat ng kaso ng tuberculosis o TB sa lalawigan.

Sa pamamagitan din nito, agad na mabibigyan ng medikasyon ang mga pasyente na positibo sa naturang sakit.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na sa mahigit 1000 na mga isinailalim sa Free Chest X-ray, 20% ang positibo sa TB.

Read More:  PRO-8 files multiple charges against teen suspect in Tacloban School shooting

Samantala, upang mapaunlad pa ang TB program, inihayag ni Aturdido na may paparating na Mobile X-ray Van ang South Cotabato at nakatakda din itong makatanggap ng ultra-light portable X-ray Machine na maaaring dalhin sa mga far flung areas.