Final deliberation para sa wage adjustment sa region 3, posibleng matapos na sa May 30

Posibleng matapos na sa May 30 ang final deliberation hinggil sa inaabangang wage adjustment sa Central Luzon.

Sa panayam kay Department of Labor and Employment o DOLE regional director Geraldine Panlilio, sa May 30 nakatakdang desisyunan kung magkano ang idagdag na umento sa sahod.

Read More:  44 ASF-positive pigs culled, buried in Cebu

Bagaman wala pang maibigay na eksaktong amount kung magkano ang madadagdag, sinabi naman ng opisyal na malabong makalusot ang unang hirit na 330 pesos na dagdag sahod.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Sa ngayon tapos na ang Regional Tripartite and Wages Productivity Board sa pagsasagawa ng public hearing sa pitong probinsya sa rehiyon.