PUJ unit ng isang kooperatiba sa Zambales na kasama sa libreng sakay bumibyahe na lahat

Bumibyahe na ang lahat ng unit ng Subic San Narciso San Felipe Transport Service Cooperative na kabilang sa nagbibigay ng serbisyo ng libreng sakay.

Ito ay para maserbisyuhan ang lahat ng mga mananakay araw-araw lalo na ang mga Frontliner at Health workers.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay Chairman Joelson del Mundo, kahit na may iba pang regular na namamasadang unit sa kanilang kooperatiba ay kinakailangan pa rin ng karagdagang byahe.

Ito ay dahil kapag rush hour ay dumadagsa ang mga mananakay sa mga lugar na mayroon silang pasada.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dati kasi ay mayroong dalawa na nakareserba ang samahan pero sa ngayon ay namamasada na ang 32 units.

Samantala, mula noong Abril 22 nang magsimula ang libreng sakay sa ilalim ng Service Contracting Program ay umabot na sa mahigit 56,000 ang naserbisyuhan ng kooperatiba.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'SA MASAKIT NA TUHOD HINDI MO DESERVE ANG PANANDALIANG REMEDY! PARACETAMOL FAST IBUPROFEN-+ RELAX MAG-FAST RELAX, ORA MISMO! IF SYMPTOMS PERSIST, CONSUL YOUR DOCTOR.'