Romualdez, inendorso ni GMA bilang next Speaker

Tinapos na ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang usap-usapan hinggil sa mga napipisil na susunod na House Speaker.

Mababatid na si Arroyo, at si House Majority leader Martin Romualdez ang mga napipisil ng ilang mga mambabatas sa Kamara bilang susunod nilang lider.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa isang pahayag ngayong umaga, pormal nang indendorso ni CGMA si Romualdez bilang Speaker of the House.

Hinikayat din ng Pampanga representative ang kanyang mga ka-alyado at kap-artido sa Lakas-CMD na ibigay ang suporta kay Romualdez pagdating sa pagpili ng susunod na Speaker.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Ayon sa dating pangulo, subok na niya ang galing ni Romualdez matapos ang ialng dekada nilang pagta-trabaho bilang mga mambabatas.

Si Arroyo ang chairperson-emeritus ng Lakas-CMD; habang si Romualdez naman ang pangulo ng partido.

Kapwa silang tumakbo nang walang kalaban sa kani-kanilang mga distrito.
#