Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program hindi na pinalawig pang muli ng SSS

CAMARINES NORTE- Hindi na muling pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ng Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program na magtatapos na ngayong araw.

Batay ito sa kalatas na ibinahagi ni SSS Luzon Bicol Division Senior Communication Analyst Quennie Joy Agsao sa local media via email.

Ayon dito, hinihimok ni SSS President at Chief Executive Officer Michael Regino ang mga miyembro na mayroong past-due loans na i- avail ang Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP) o Pandemic Relief and Restructuring Program 5 (PRRP 5) bago matapos itong araw, May 14, 2022.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Bilang bahagi umano ng Pandemic Relief and Restructuring Programs ay nag offer ang SSS ng naturang programa simula Nobyembre ng nakaraang taon upang makapagbigay ng financial relief sa mga miyembro na labis na naapektuhan ng pandemya.

Maaaring i- settle ang Outstanding loan principal at interest ng one-time full payment o installment term habang ang naipong penalty ay ma wi- wave sa pag full payment ng restructured loan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Kasama sa programa ang  mayroong outstanding Salary, Calamity, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency Loans, at Restructured Loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggang 2019.

Una na ring nagpaalala hinggil dito si SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo.

Ang mga may hindi nabayaran at hindi nakapag avail ng condonation noong mga nagdaang taon ay maaaring mag inquire sa opisina ng SSS o i- avail ito online sa pamamagitan ng My.SSS