Mahigit 37,000 public schools sa buong bansa, handa na sa eleksyon

Mahigit sa 37,000 na mga public schools sa buong bansa ang gagamiting polling precincts sa May 9 elections.

Ayon kay DepEd Public Affairs Office director Marcelo Bragado, handa na ang naturang mga paaralan para sa araw ng botohan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Handa na rin umano ang lahat na mga guro na magsisilbing board of election inspectors matapos na sumailalim sa mga training.

Kaugnay nito ay isasagawa sa naturang mga paaralan ang testing and sealing ng mga vote counting machines (VCMs) sa May 2 hanggang 7, 2022.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ito ay para masubukan ang mga gagamiting VCM para maiwasan ang anumang aberya sa mismong araw ng eleksyon.