Inaasahang tatagal ng mahigit dalawang buwan ang i-aalok na libreng sakay ng mga pampasaherong jeepney sa Zambales na sasali sa service contracting program ng pamahalaan.
Ito ang pagtataya ng Subic San Narciso San Felipe Transport Cooperative na isa sa mga transport group na nag-avail ng programang magbibigay ng subsidiya sa pamasahe.
Ayon kay Joelson Del Mundo, chairman ng kooperatiba, noong unang bahagi ng programa ay labing pitong araw lang ang itinagal ng programa dahil sa limitadong pondo.
Sa ngayon, tiwala si Del Mundo na bukod sa mas maraming unit ang mamamasada ay tiyak na mas lalaki ang kikitaan kapag hindi gaanong tinangkilik ng ibang mga tsuper ang programa.//Christian Andres- BNFM OLONGAPO
