Sinimulan na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board Region 3 ang pag-iinspeksyon at monitoring sa iba’t ibang public terminals sa rehiyon.
Ito ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation” ng Department of Transportation o DOTr bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga commuters ngayong summer season at sa darating na holy week.
Naglagay na rin ng mga Malasakit Help Desk sa ibang terminals para makatulong sa mga pasahero kung may mga katanungan patungkol sa kanilang biyahe.
Samantala, ang pilot inspection na isinagawa nitong nakalipas na mga araw ay pinangunahan mismo ni LTFRB Regional Driector Nasrudin Talipasan.//Arjay Supe-BNFM OLONGAPO
