Pangulong Duterte physically fit at nasa ‘good condition’ ilang buwan bago bumaba sa pwesto

Tiniyak ni Senador Christopher Bong Go na physically fit at nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang buwan bago ito tuluyang bumaba sa pwesto.

Sa isang ambush interview matapos dumalo sa isang event sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City, sinabi ni Go walang dapat ikabahala sa kalusugan ng Pangulo dahil inalagaan ito ng mga doktor sa naturang ospital.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Aminado ang senador na talagang piniga ang Pangulo, mentally at physically simula noong manungkulan ito bilang lider ng bansa.

Sa kabila nito inihayag ni Go na hindi nila ito pinagsisihan at ibinigay ni Pangulong Duterte ang lahat para pagsibilhan ang mga Pilipino.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Pinasalamatan naman ng mambabatas ang mga doktor sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa pag-alaga sa kalusugan ng Presidente kung saan lagi dito isinasagawa ang medical check-up ni Pangulong Duterte.