Tulong ng CDRRMO hihilingin ng City Tourism Office ngayong summer season

SORSOGON CITY – Plano ng Sorsogon City Tourism Office na hilingin ang tulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ngayong summer season.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista at bakasyunista partikular na sa mga beach resort at paliguan sa lungsod.

Sa pahayag ni City Tourism Office head Asia Olbes Jao, sinabi nito na expected na kasi nila na dadagsa ang mga beach goers sa panahon ng tag-init kung kaya kailangan nila ng karagdagang puwersa upang matulungan sila na masiguro ang safety ng mga turista at bisita.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Bukod pa rito sinabi ng opisyal na hihilingin din nila ang tulong ng mga barangay officials at mga barangay tanod sa mga lugar na mayroong mga paliguan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kaugnay nito, nagpasalamat ang opisyal na ang nasabing mga force multipliers ay lagi umanong handa upang makipagtulungan sa kanila para sa kaligtasan ng lahat ng mga bibisita sa lungsod lokal man o dayuhang turista.