Tricycle drivers, sasailalim sa isang blended learning course

SORSOGON CITY – Sasailalim ang mga tricycle drivers sa lalawigan ng Sorsogon sa isang kursong magpapalalim ng pag-unawa sa Filipino Brand of Service.

Gaganapin ang training sa darating na ika-7 ng Abril sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Tourism at Sorsogon Provincial Tourism Office.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Layon ng programa na makabuo at mapanatili ng mga manggagawa sa turismo at magkaroon ng  kakayahang magbigay ng mahusay, de kalidad at serbisyong kikilalanin sa buong mundo.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Hangad naman ng pamunuan na magamit ng mga tricycle drivers ang matututunan sa pagseserbisyo sa lahat ng uri ng mga turistang darating at bibisita sa lalawigan.