Mass weddings at kumpil, hindi pa rin pinahihintulutan ng Diocese of Legazpi

BNFM BICOL- Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Diocese of Legazpi ang pagdaraos ng “mass weddings” at “mass confirmation” o kumpil sa lalawigan ng Albay.

Iyan ang kinumpirma ni Bishop Joel Baylon, kaugnay na rin ng pagpapaalala sa publiko hinggil sa mga kasalukuyang regulasyon na ipinatutupad ng simbahan ngayong may banta pa rin ng COVID-19.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ayon sa Obispo, bagamat patuloy aniyang bumababa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng sakit sa probinsya, patuloy rin umano ang ginagawang pagsusumikap ng diyosesis na mapanatiling ligtas ang mga mananampalataya.

Ang naturang polisiya ay magtatagal hanggang sa May 15, bilang pagtalima na rin aniya sa inilabas nilang Diocesan Circular No. 2 series of 2022 na tumutugon at ibinase sa guidelines ng National IATF.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Batay sa pinakahuling tala ng DOH-Bicol, ang probinsya ng Albay ay may nananatiling 119 na mga aktibong kaso ng COVID-19 at nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2.###