Halos 5-milyong mga bicolano, bakunado na kontra COVID-19

BNFM BICOL—Halos nasa limang milyong mga Bicolano na ang bakunado kontra COVID-19 na katumbas ng 71% ng vaccination coverage mula sa target population.

Ayon kay Dr. Monrey Isaiah Mancilla – Immunization Program Coordinator ng Department of Health-Bicol, 78% o 68,996 ng nasabing bilang ay mga senior citizens; 79% o 2,509,899 naman nito ay mga indibidwal edad 18 hanggang 59-anyos; 81% o 645,627 ang mga edad 12 hanggang 17-anyos habang 4% o 36,730 naman ng mga nabakunahan ay edad lima hanggang 11 taong gulang.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur
Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Kaugnay nito, binigyang diin ni Mancilla na ang pagpapataas ng vaccination coverage ng bawat probinsya sa rehiyon ay malaking bagay lalo na at isa ito sa mga batayan para maibaba sa Alert Level 1 ang COVID-19 status ng isang lugar.###