NAGA CITY- 13 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur , sa cumulative cases na 16, 950.
Isa ang bagong kaso kahapon habang may tatlong gumaling. Umabot na sa 629 ang nasawi habang 16, 308 ang recoveries mula 2020.
Sa kasalukuyan Alert Level 2 ang lalawigan kahit pa patuloy ang pagbaba ng kaso , umaaasang maibaba na sa Alert Level 1. Puspusan ang pagbabakuna laban sa nasabing virus , isa kasi ito sa tinitinggan ng IATF sa pag dedeklara ng Alert Level System. Nitong nagdaang National Vaccination Days Part 4, 102% ang accomplishments ng lalawigan.
Oras na ibaba na sa Alert Level 1 gagaan pa ang restrictions halimbawa na lamang sa mga beach resorts.
Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni CPO Alex Lumbre, Station Commander ng Philippine Coast Guard Balatan na nakabantay na sila sa dumaraming o tumutungo sa mga resorts sa naturang bayan.
Pagpaplanohan pa aniya ng PCG Camarines Sur kung ano pa ang mga susunod na hakbang ngayong inaasahan ang pagdami ng mga dumarayo , bukod kasi sa mababa na ang kaso ng COVID-19, ideneklara ng PAGASA ang pagpasok ng tag-init at nalalapit na rin ang Semana Santa.