Tricycle drivers at operators sa Virac, Catanduanes humihirit ng dagdag pasahe matapos ang sunod-sunod na oil price hike

BNFM BICOL— Humihirit ngayon ng dagdag pasahe ang mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Virac, Catanduanes matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa mga ito, kaawa-awa aniya ang kanilang kalagayan sa ngayon dahil hindi pa man nakakabangon bunsod ng krisis na dala ng pandemya ay bigla naman silang binulaga ng mataas na presyo ng langis na halos umaabot sa P83.00 ang kada litro.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Hinaing ng mga drivers, luging-lugi na sila kung walang mangyayaring omento sa pasahe at dagdagan pa ng patuloy na umiiral na COVID restrictions sa pagsakay ng mga pasahero.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Kaugnay nito, inihayag ni Virac, Catanduanes Mayor Sinforoso Sarmiento na nakatakda nilang pag-usapan ng Sangguniang Bayan ang pagpapatupad ng Executive Order o kautusan hinggil sa dagdag pasahe ngunit medyo matatagalan aniya ito lalo na at wala naman siyang kakayahang mag omento nang basta-basta.###